Ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas
KARAMIHAN SA MGA TAO’Y
NAIS na maging 100 porsiyentong tama at tiyak sa anumang gawain nila. Ito nga
ay totoo pagdating sa paggawa ng mga desisyon sa mga bagay-bagay ukol sa kanilang
pang-araw-araw na buhay. Ngunit, hindi ba dapat silang maging mas maingat pagdating
sa espirituwal na mga bagay, tulad ng pagpili nila ng relihiyon? Sapagka’t,
mahalaga na maging tunay na 100 porsiyento ang kapanatagan na ang relihiyon na pinagpasiyahan
niyang aniban ay saDiyos at kay Cristo. Ito ay dahil sa ang isang malaking pagkawasak
ay matutupad sa mga nalinlang na umanib sa mga huwad na relihiyon, samantalang ang
isang dakilang pagpapala ay naghihintay sa mga kabilang sa tunay na relihiyon.
Kami, na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na
lumitaw sa Pilipinas sa mga huling araw na ito, ay sumasampalataya na ang Iglesiang
ito lamang ang tunay na nauukol sa Diyos at kay Cristo na napatunayan sa pamamagitan
ng katuparan ng mga hula ng Biblia tungkol sa pagkakatatatag nito.
IGLESIANG KAY CRISTO
Si Cristo at ang Kaniyang mga Tupa
Hinulaan ni Cristo ang tungkol sa Kaniyang ibang mga
tupa o mga alagad, na sa hinaharap sa mga huling araw na ito, ay magiging isang
kawan:
JOHN 10:16 "I have other sheep too. They
are not in this flock here. I
must lead them also. They will listen to my voice. In
the future there will be one flock and one shepherd." [Easy-to-Read Version]
Pagkakaliwat sa
Filipino:
JUAN
10:16 "Mayroon
pa akong ibang mga tupa. Sila ay wala [pa] sa kawan na ito rito. Kinakailangang
dalhin ko rin sila. Makikinig sila sa aking tinig. Sa
hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol."
Ang kawan natinutukoy sa hula ng
Panginoong Jesus ay walang iba kundi ang Iglesia ni Criso:
ACTS 20:28 "Take heed therefore to yourselves and to
all the flock over which the Holy
Spirit has appointed you overseers, to fee the CHURCH OF CHRIST which he has
purchased with his own blood." [George M. Lamsa Translation]
Pagkakaliwat sa
Filipino:
GAWA
20:28 "Ingatan
ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang
kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng
kaniyang sariling dugo."
ANG LUGAR AT PANAHON AYON SA BIBLIA
Ang Malayong Silangan
Unang Digmaang Pansanlibutan (1914)
Bakit namin natitiyak na ang kinatuparan ng hinulaang "ibang
mga tupa" ni Cristo, ay ang Iglesia ni Cristo nalumitaw
sa Pilipinas sa ating panahon? Saan ba magmumula ang “ibang mga tupa” ni Cristo
o ang mga anak ng Diyos? Liliwanagin iyan sa atin ng kaugnay na hula ng Biblia:
ISAIAH 43:5 "From the far east, will I bring your offspring,
and from the far west, I will gather you." [James Moffatt, A New
Translation of the Bible Containing the Old and New Testaments, New York:
Harper Brothers Publishers, © 1954]
ISAIAH
43:6 "I
will say to the north, ‘Give them up!’ And to the south, ‘Do not keep them
back!’ Bring
My sons from afar, And My daughters from the ends of the earth—" [New King James Version]
Pagkakaliwat sa
Filipino:
ISAIAS
43:5 "Mula
sa malayong
silangan,
aking dadalhin ang iyong supling, at mula sa malayong kanluran, Akin kang pipisanin."
ISAIAH
43:6 "Aking
sasabihin sa hilagaan, ‘Bayaan mo sila!’ At sa timugan, ‘Huwag mo silang pigilan!’
Dalhin
mo [rito] ang Aking mga anak na lalake mula sa malayo,
At
ang Aking mga anak na babae mula sa mga wakas ng lupa—"
Ayon sa nasabing hula , Ang mga anak ng Diyos ay
magmumula sa Malayong Silangan. Ang Pilipinas
ba ay matatagpuan sa Malayong Silangan? Oo. Bilang pagpapatunay
na rin ng aklat na ito:
"Far East: It comprises Australia, Cambodia,
China, Indonesia, Japan, Laos, Malaysia, Myanmar, New Zealand, North
Korea, the
Philippines,
Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand and Vietnam." [The New York Times Manual of
Style and Usage, pp. 129]
Sa katunayan, ang katuparan ng hulang ito ay ang Iglesia
ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas. Hindi lamang ang lugar ng pinagmulan ng iba
pang mga tupa ni Cristo ang nahulaan kundi pati na rin ang panahon ng kanilang paglitaw—"mga wakas ng lupa."
Kailan ba ang panahong "mga wakas ng lupa"?
Ito ay sa panahong ang katapusan ng mundo o ng lupa ay malapit na. Niliwanag ng
ating manunubos:
MATEO 24:3, 33 "At samantalang siya'y
nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad,
na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At
ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
... Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo
na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga." [ANG BIBLIA: Dating Salin, 1905]
Sinabi sa atin ng Panginoong JesuCristo na isa sa mga
unang palatandaan na makikita kapag ang oras ay "nasa mga pintuan na"
o "sa mga wakas ng lupa", ay digmaan na maririnig o
mapapabalita—isang digmaang sukat-pandaigdigan:
MATEO 24:6-8 "At mangakakarinig
kayo ng mga digmaan
at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyona huwag kayong magulumihanan:
sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig
ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at
lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito
ay siyang pasimula ng kahirapan." [ANG BIBLIA: Dating Salin, 1905]
Ang kinatuparan ng digmaan na hinulaan
ni Cristo ay ang Unang Digmaang Pansanlibutan noong 1914. Maging mga Bible scholars man ay makapagpapatunay nito:
"24:6-8a: Wars between nations, or even
between kingdoms, is and has been a common occurrence. History has
recorded famines at various times. There have been times of
great disease epidemics. There have been earthquakes in
the past, but increasingly so in the present day. Jesus tells his disciples,
however to be awaiting a specific time during which all of these phenomena
would be in evidence at the same time. The first such time in world history
occurred during the years of World War I (1914-1918) and immediately
following." [Matthew 24:6-8 Last Days Bible,
footnote]
Pagkakaliwatsa Filipino:
"24:6-8a: Digmaan sa pagitan ng
mga bansa, o maging sa pagitan ng mga kaharian, ay isang pangkaraniwang pangyayari.
Naitala sa Kasaysayan ang mga tagguton sa
magkakaibang panahon. Mayroon ding panahon ng mga malalang epidemya ng sakit. Nagkaroon na ng mga paglindol sa nakaraan, ngunit mas lumalala pa
sakasalukuyan. Sinabini Jesus sa kaniyang mga alagad, gayunpaman ay naghihintay
ng isang tiyak na oras na kung saan ang lahat ng mga palatandaang ito ay
matutupad sa gayon ding panahon. Ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng
daigdig ay naganap noong Unang Digmaang Pansanlibutan (1914-1918) at agad pang
nasusundan."
Kaalinsabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pansanlibutan,
ang Iglesia ni Cristo ay nairehistro sa pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo
27, 1914. Samakatuwid, ang ibang mga tupa ni Cristo na darating mula sa Malayong
Silangan sa panahong mga wakas ng lupa ay tumutukoy LAMANG sa mga kaanib sa Iglesia
ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914.
KAISA KAY CRISTO
Sa hula sa Isaias 43:5-6, nilinaw na ang
Diyos mismo ang magdadala ng Kaniyang mga anak na lalake at babae sa mga huling
araw na ito. Kanino Niya sila dadalhin?
JUAN 6:44 "Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang
ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon
sa huling araw. " [ANG
BIBLIA: Dating Salin, 1905]
Ang layunin ng Diyos sa pagdadala Niya ng Kaniyang mga
anak kay Cristo Jesus ay upang sila’y pagsama-samahin o maging kaisa ng Kaniyang
Anak (I
Corinto 1:9 ABMBB). Ang pagkakaisang ito sa pagitan ni Cristo at ng mga ibinigay ng
Diyos sa kaniya ay nasa iisang katawan o Iglesia:
COLOSAS 3:15 "Paghariin ninyo sa inyong
puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit
kayo tinawag
sa iisang katawan.
Magpasalamat kayong lagi." [Ang Bagong Magandang Balita Biblia]
Anoba itong katawan
na tinutukoy?
COLOSSIANS 1:18 "He is the head
of his
body, THE CHURCH; ..." [Today's English
Version]
Pagkakaliwat sa
Filipino:
COLOSAS
1:18 "Siya
ang ulo ng kaniyang
katawan, ANG IGLESIA; ..."
At dahil sa ang Iglesia ay katawan ni Cristo, nakatitiyak
kami na ang Iglesiang tinutukoy ay ang Iglesia ni Cristo. Kaya, iyong mga hinulaan
na ibang mga tupani Cristo na magmumula sa Malayong Silangan sa panahong mga wakas
ng lupa na siyang mga tinawag ng Diyos at ipinagkaisa kay Cristo ay nasumpungan
sa Iglesia ni Cristo nalumitaw sa Pilipinas.
ANG HINULAANG SUGO
Ang isa pa sa mga hula ng Biblia na natupad sa Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas ay patungkol sa
isang tao na kinasangkapan sa
pagpapasimula nito:
ISAIAS 46:11-13 "Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin;
aking, pinanukala, akin namang gagawin. Inyong dinggin ako, ninyong may
mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran: Aking inilalapit ang aking
katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at
aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian."
[ANG BIBLIA: Dating
Salin, 1905]
Kapatid na Felix Y. Manalo
Ang Unang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas
Ito ang hula ng
Diyos patungkol sa Kaniyang sugo sa mga
huling araw na ito, ang Kapatid na Felix Y. Manalo. Bakit namin natitiyak
na ang hulang ito ay pumapatungkol sa kaniya? Dahil sa pagkakabanggit nito
tungkol sa lugar na kaniyang pagmumulan pati na rin ang kaniyang misyon o
magiging gawain—" taong gumagawa ng payo [ng Diyos] mula sa malayong
lupain;" na ang gawain ay
naihalintulad pa sa “ibong mandaragit mula sa silangan.”
Ang terminong "malayong lupain sa
silangan" na nabanggit sa hula na tumutugma sa "Malayong
Silangan," na ang kinatuparan nga, gaya ng nabanggit na kanina, ay
ang Pilipinas—ang bansa kung saan unang ipinangaran ng Kapatid na Felix Manalo
ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw na ito. At saka, ang gawain ng sugo na
siyang tatawagin upang dalhin ang katuwiran ng Diyos o ang evangelio (Roma
1:16-17)
sa mga tao ay inihalintulad sa ibong mandaragit dahil ang mga taong dadalhin
niya ay pinigil ng hilagaan at ng timugan:
ISAIAS 43:5-6 " Huwag kang matakot,
sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at
pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa
malayo,
at ang aking mga anak na babae na
mula sa wakas ng lupa;" [ANG
BIBLIA: Dating Salin, 1905]
Ang “hilagaan” na binanggit sa hula ay pumapatungkol
sa relihiyong Protestante [Encyclopedia of World Religions, pp. 745]. Katunayan pa nga,
iyong mga taong naging unang mga anak ng Diyos sa mga huling araw na ito ay
sapilitang inagaw mula sa dalawang malaking relihiyon. Nakayanang gawin ito ng
Kapatid na Felix dahil, gaya ng hinulaan, kaniyang "gagawin ang payo [ng
Diyos]" sa pamamangitan ng pangangaral ng dalisay na mga salita ng Diyos (Awit
107:11)
na nakasulat sa Biblia.
Lahat ng mga hula patungkol sa Iglesia ni Cristo at
sa sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito ay natupad. Pinatutunayan lamang
nito, batay sa Biblia, na ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong Hulyo
27, 1914 ay sa Diyos at kay Cristo.
Ito ang dahilan kung bakit patuloy namin kayong hinihikayat,
mga giliw naming mga mambabasa, na masugid sa paghahanap ng tunay na relihiyon
at pagsamba sa Diyos. Sana ay mapaanib din kayo sa amin—gawin na po ang tama at
tiyak na pagpapasiya upang maging karapat-dapat sa pagtatamo ng kaligatasan.