Isa ang talang 1 Juan 5:20 sa mga
sinasampalatayanan ng mga naniniwalang Diyos ang Panginoong JesuCristo sa likas
na kalagayan. At bilang pagpapatunay na rin daw na tunay ang kanilang
pinaniniwalaan. Basahin po natin ang nasabing talata:
1 JUAN 5:20 “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”
Marahil maririnig natin doon sa mga sumasalig sa talatang ito bilang pagpapatunay na Diyos si Cristo ang ganito:
“Oh, hindi ba malinaw na sinabi ng talatang iyan na Diyos ang Panginoong JesuCristo? Kasi nga ang sabi: “…sa makatuwid ay sa kaniyang ANAK NA SI JESUCRISTO. ITO ANG TUNAY NA DIOS, at ang buhay na walang hanggan.””
Kung mapapansin po natin, “parang” si Cristo ang pinatutungkulan ng binabanggit sa talata na “Ito ang TUNAY NA DIOS”. Ngunit kung magiging gayon ang kunklusyon natin sa talatang ito, na Diyos nga si Cristo, may ilang mga talata sa Biblia na maaaring kontrahin ng talatang ito. Katulad na lamang nito:
ISAIAS 46:9 “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT WALANG IBA LIBAN SA AKIN; AKO'Y DIOS, AT WALANG GAYA KO;”
Kaya’t kung ating susuriing maigi ang 1 Juan 5:20, mapapansin po natin na ang mga pangungusap ay pumapatungkol sa Diyos. Kaya kung babasahin natin ang mga naunang talata, mapapansin natin na ang Diyos pa rin ang pinatutungkulan. Iangat lang po natin ang talata sa 18 at 19 bago ang 20, ito ang mababasa po natin:
1 JUAN 5:18 “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.”
1 JUAN 5:19 “Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.”
1 JUAN 5:20 “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng DIOS, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, UPANG ATING MAKILALA SIYA NA TOTOO, at tayo'y nasa KANIYA na totoo, sa makatuwid ay sa KANIYANG Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”
Sa mga naunang talata, napakalinaw po na ang Diyos ang pinatutungkulan ng mga nilalaman na pangungusap. At sa talatang 20 naman, ipinaliliwanag na anya sa pamamagitan ng ating Panginoong JesuCristo ay ating makikilala ang Diyos na totoo. Kung saan, ito ang buhay na walang hanggan.
Matitiyak po ba natin na nagawa ni Cristong ipakilala sa atin kung SINO LAMANG ang TUNAY na DIYOS, na may kaugnayan din sa Buhay na walang hanggan? Sangguniin po natin ang Biblia. At dahil, si Apostol Juan po ang nagsulat ng 1 Juan, si Apostol Juan pa rin po ang sasagot sa katanungan natin:
JUAN 17:1, 3 "Pagkasabi ni Jesus nito, tumingala Siya sa langit at nagsabi, "AMA, dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak, upang luwalhatiin Ka rin ng Iyong Anak,.. "AT ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN - ANG MAKILALA KA NILA, IKAW NA KAISA-ISANG TUNAY NA DIYOS, at si JesuCristong sinugo Mo." [Salita ng Buhay]
Sa wakas, nasagot ng Biblia ang ating tanong. TOTOO po na ipinakilala ng Panginoong JesuCristo, na ang AMA ang “kaisa-isang tunay na Diyos” at “ang buhay na walang hanggan”.
Kaya’t kung ipagpipilitan po ng mga nainiwalang Diyos si Cristo na 1 Juan 5:20, ay napakalaki ng kanilang magiging problema. Bakit po? Dahil binanggit sa talata na “sa makatuwid ay sa KANIYANG ANAK na si Jesucristo.” Ipinaliwanag po kasi na ang Diyos, may Anak. Hindi po ba? Eh, kung si Cristo ang patutungkulan nila ng bahagi ng talatang ito, lalabas na si Cristo yung may Anak na Cristo din. Wala naman po sigurong JesuCristo Jr. hindi po ba?
Dahil kahit sa ibang Salin ng talatang ito ng Biblia ay hindi nagkakalayo ang nilalaman eh; Na naparito ang Panginoong JesuCristo na Anak ng Diyos upang ipakilala sa atin ang Diyos. Katulad po nito:
1 JOHN 5:20 “We know that Jesus Christ the Son of God has come and has shown us the true God. And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.” [Contemporary English Version]
Pagkakaliwat sa Filipino:
1 JUAN 5:20 “Nalalaman natin na si JesuCristo na Anak ng Diyos naparito ang ipinakilala sa atin ang tunay na Diyos. At dahil kay Jesus, tayo ngayon ay nabibilang na sa tunay na Diyos na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”
Ito
po ang katotohanan na hindi maunawaan ng karamihan. Na hindi ipinakilala sa
Biblia o kahit ng Panginoong JesuCristo mismo na Siya ay tunay na Diyos. Hindi
Niya nap o babanggitin iyon. Bakit po? Naipakilala na Niya ang iisa at tunay na
Diyos eh. Walang iba kundi ang AMA lamang. Kaya upang mas maunawaan pa natin
ang nilalaman ng 1 Juan 5:20, himay-himayin po natin
ang nasabing talata:1 JUAN 5:20 “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”
Marahil maririnig natin doon sa mga sumasalig sa talatang ito bilang pagpapatunay na Diyos si Cristo ang ganito:
“Oh, hindi ba malinaw na sinabi ng talatang iyan na Diyos ang Panginoong JesuCristo? Kasi nga ang sabi: “…sa makatuwid ay sa kaniyang ANAK NA SI JESUCRISTO. ITO ANG TUNAY NA DIOS, at ang buhay na walang hanggan.””
Kung mapapansin po natin, “parang” si Cristo ang pinatutungkulan ng binabanggit sa talata na “Ito ang TUNAY NA DIOS”. Ngunit kung magiging gayon ang kunklusyon natin sa talatang ito, na Diyos nga si Cristo, may ilang mga talata sa Biblia na maaaring kontrahin ng talatang ito. Katulad na lamang nito:
ISAIAS 46:9 “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT WALANG IBA LIBAN SA AKIN; AKO'Y DIOS, AT WALANG GAYA KO;”
Kaya’t kung ating susuriing maigi ang 1 Juan 5:20, mapapansin po natin na ang mga pangungusap ay pumapatungkol sa Diyos. Kaya kung babasahin natin ang mga naunang talata, mapapansin natin na ang Diyos pa rin ang pinatutungkulan. Iangat lang po natin ang talata sa 18 at 19 bago ang 20, ito ang mababasa po natin:
1 JUAN 5:18 “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.”
1 JUAN 5:19 “Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.”
1 JUAN 5:20 “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng DIOS, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, UPANG ATING MAKILALA SIYA NA TOTOO, at tayo'y nasa KANIYA na totoo, sa makatuwid ay sa KANIYANG Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”
Sa mga naunang talata, napakalinaw po na ang Diyos ang pinatutungkulan ng mga nilalaman na pangungusap. At sa talatang 20 naman, ipinaliliwanag na anya sa pamamagitan ng ating Panginoong JesuCristo ay ating makikilala ang Diyos na totoo. Kung saan, ito ang buhay na walang hanggan.
Matitiyak po ba natin na nagawa ni Cristong ipakilala sa atin kung SINO LAMANG ang TUNAY na DIYOS, na may kaugnayan din sa Buhay na walang hanggan? Sangguniin po natin ang Biblia. At dahil, si Apostol Juan po ang nagsulat ng 1 Juan, si Apostol Juan pa rin po ang sasagot sa katanungan natin:
JUAN 17:1, 3 "Pagkasabi ni Jesus nito, tumingala Siya sa langit at nagsabi, "AMA, dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak, upang luwalhatiin Ka rin ng Iyong Anak,.. "AT ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN - ANG MAKILALA KA NILA, IKAW NA KAISA-ISANG TUNAY NA DIYOS, at si JesuCristong sinugo Mo." [Salita ng Buhay]
Sa wakas, nasagot ng Biblia ang ating tanong. TOTOO po na ipinakilala ng Panginoong JesuCristo, na ang AMA ang “kaisa-isang tunay na Diyos” at “ang buhay na walang hanggan”.
Kaya’t kung ipagpipilitan po ng mga nainiwalang Diyos si Cristo na 1 Juan 5:20, ay napakalaki ng kanilang magiging problema. Bakit po? Dahil binanggit sa talata na “sa makatuwid ay sa KANIYANG ANAK na si Jesucristo.” Ipinaliwanag po kasi na ang Diyos, may Anak. Hindi po ba? Eh, kung si Cristo ang patutungkulan nila ng bahagi ng talatang ito, lalabas na si Cristo yung may Anak na Cristo din. Wala naman po sigurong JesuCristo Jr. hindi po ba?
Dahil kahit sa ibang Salin ng talatang ito ng Biblia ay hindi nagkakalayo ang nilalaman eh; Na naparito ang Panginoong JesuCristo na Anak ng Diyos upang ipakilala sa atin ang Diyos. Katulad po nito:
1 JOHN 5:20 “We know that Jesus Christ the Son of God has come and has shown us the true God. And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.” [Contemporary English Version]
Pagkakaliwat sa Filipino:
1 JUAN 5:20 “Nalalaman natin na si JesuCristo na Anak ng Diyos naparito ang ipinakilala sa atin ang tunay na Diyos. At dahil kay Jesus, tayo ngayon ay nabibilang na sa tunay na Diyos na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”
• “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios [si Cristo],” [Juan 3:16]
• “..at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya [ang Ama] na totoo,” [Juan 17:26]
• “..at tayo'y nasa kaniya [ang Ama] na totoo,” [Juan 5:23]
• “..sa makatuwid ay sa kaniyang [ang Ama] Anak na si Jesucristo.” [Juan 1:34]
• “Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.” [Juan 17:1, 3]
Sa huling bahagi po ng ating pagtalakay ay lubos po nating naipaunawa sa mga mambabasa ang tamang pagkaunawa sa nasabing talata. Bagaman marami ang nalinlang sa paggamit ng talatang ito bunga ng maling pagpapakahulugan. Subalit huwag po nating hayaang mabulag tayo ng ganitong kaisipan sapagkat ang maling pagpapakahulugan ng kahit isa sa mga talata ng Biblia ay maaaring magdala sa atin sa kapahamakan. Ayon mismo sa pahayag ni Apostol Pedro:
2 PEDRO 3:16 “Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalala. Kaya lang, ang ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, at BINIBIGYAN NG MALING KAHULUGAN ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.” [Magandang Balita Biblia]
Kapahamakan po ang idudulot sa tao ng kapangahasan na kaniyang ginagawa sa Biblia, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Maling Kahulugan sa mga talata o verse. Kaya ang ganitong gawain ay dapat iwasan ng sinoman.
Sa mga giliw po naming mambabasa, malugod po naming kayong inaanyayahan na magsuri po sa tunay na aral na lubos na sumasalig na Biblia at maging ang pag-anib na rin po na tunay na Iglesiang nasa Biblia; nang sa gayon ay sama-sama nating matunton ang tamang daan tungo po sa kaligtasan.
Juan 1, nakalagay na ang Salita ay Diyos.. at ang Salita ay kasama ng Diyos sa pasimula pa lang..wala tayo kung wala Siya.. at ang Salita ay nagkatawang tao... tapos iibahin niyo paliwanag.. produkto kayo ng self interpretation ayon sa 2 Peter 1:20 (ang talambuhay ni Felix Manalo ang nagpatunay na nagmula aral niyo mula sa kanya at hindi mula kay Kristo sa mga apostol na mismong mga pari nmn ayon sa Hebrew 3:1)
ReplyDeleteOh sige, so ang salita ay Diyos? So magiging ilan na ang Diyos?
Delete